- disturbing fantasies, traumatic verses, definitely mongrel thoughts

Name: mong palatino
activist, blogger and political journalist. email me at mongpalatino@gmail.com

>bloglinks
>mong pictures
Bloggers Kapihan
Global Voices Online
Kabataan Partylist
mong friendster profile
tinig
Txtpower
UPI Asia
yehey news
today
May 2008
April 2008
March 2008
February 2008
January 2008
December 2007
November 2007
October 2007
September 2007
August 2007
July 2007
June 2007
May 2007
April 2007
March 2007
February 2007
January 2007
December 2006
November 2006
October 2006
September 2006
August 2006
July 2006
June 2006
May 2006
April 2006
March 2006
February 2006
January 2006
December 2005
November 2005
October 2005
September 2005
August 2005
July 2005
June 2005
May 2005
April 2005
March 2005
February 2005
January 2005
December 2004
November 2004
October 2004
Mo'nonymous on Philippine human rig...
Mo'nonymous on Marcos-Arroyo
Mo'nonymous on Blog habits

visited *loading* times
Dati silang ‘spice boys’ ng Kongreso. Mga matatalino’t makabayang mambabatas na tumutuligsa sa gobyerno ni Estrada.
Napaalis si Estrada sa Malakanyang, pumalit si Gloria, at ang mga spice boys ay biniyayaan ng mga mahahalagang posisyon sa gobyerno.
Pagkatapos ng apat na taon ng korupsiyon at pagnanakaw ng boto ni Gloria, ang mga spice boys ay sadyang napakatahimik sa kanilang inuupuan at parang walang alam sa mga kontrobersiyang kinakasangkutan ng kanilang paboritong pangulo.
Noong Martes, unang araw ng pagdinig sa Kongreso tungkol sa kontrobersiyal na Gloria-Garci tapes ay agresibong minungkahi ni Rep. Sandoval na huwag pakinggan ang mga tape na nakuha mula sa wiretapping, ito raw ay ilegal.
Nakalimutan ba niya na ilegal din ang ginawa naming pagmartsa, kasama siya, noong People Power II kung susundin ang Konstitusyon? Pero sa mata ng publiko, tama ang ginawa naming pagpapalayas kay Estrada.
Pinapalipat naman ni Rep. Zubiri ang pagdinig mula sa plenary hall papunta sa mas maliit na Andaya Hall. Kaunti lang ang bilang ng publiko na makakapunta dito. Dahil sa makulit niyang pagtatanong, tumagal ang hearing.
Dinagdag pa niya na dapat daw irespeto ang plenary hall dahil ito raw ang ‘soul of Congress,’ baka raw maging circus ang mga pagdinig.
Soul of Congress? Eh araw-araw akong nasa plenary nitong nakalipas na dalawang buwan at dalawang beses ko lang ata siya nakita, noong botohan ng VAT (magkano ba, sir?). Sinadya bang pinutol ni Rep. Zubiri ang kanyang bakasyon sa abroad para lang iligtas ang soul of Congress na minsan lang niya bisitahin sa mga regular na sesyon?
Soul of Congress ba yung plenary hall kung saan hindi nakikinig ang maraming mambabatas sa nagsasalita sa podium? Yung plenary hall na lagi na lang may nakatayo at naglalakad na mambabatas, nagkukuwentuhan, nagtatawanan habang may isang kawawang nagbibigay ng privilege speech? Yung plenary hall kung saan taun-taon ay binibigay ng pangulo ang mga mapanlinlang na State of the Nation address? Yung plenary hall na pinagbilangan ng resulta ng dinayang eleksiyon ng 2004?
Kung meron mang dapat gawin ang Kongreso ngayon, ito ay ang itama ang ginawa nilang pagproklama kay Gloria noong nakaraang taon sa pamamagitan ng pagpapatuloy ng pagdinig hinggil sa katotohanan ng mga alegasyon na nakipagkutsabahan ang COMELEC sa administrasyon para nakawin ang boto ng sambayanan.
Palagi kong inaalala yung nakita kong pagyayakapan ng spice boys sa ‘soul of congress’ pagkatapos basahin ni Speaker Manny Villar ang impeachment decision noong taong 2000. Ang taas ng saludo ko sa mga spice boys noon. Eto ang mga ideyalista at batang mambabatas natin, sila ang huwaran ng kabataan.
Nag-iba ang ihip ng panahon. Lumabas ang totoo. Ngayon mas gusto ko ng pakinggan si Dilangalen kaysa kay Zubiri.
Sabi ng isa kong kaibigan, ‘spicy’ na raw sila. Ang sabi ko naman, mga deodorant boys ni Gloria.
Mababaw ang kaligayahan ng mga magulang. Kahit anong gawin ng mga sanggol ay ikakatuwa ito ng mga nanay at tatay. Masarap gumising sa umaga at makita ang iyong anak na nakatitig sa iyo at ngumingiti. Eh ano kung alas-singko lang ng madaling araw at kailangan mong kausapin at kargahin ang iyong supling kung ang kapalit naman nito’y mahimbing na pagtulog ng bata.
Paranoid ang mga magulang. Kaunting iyak lang ay mabilis ang iyong pagtugon sa pangangailangan ng sanggol. Gutom ba siya, inaantok, nahihirapang dumumi, may kumagat na lamok o gusto lang magpabuhat sa labas ng bahay? Kahit ang asawa ko ay hindi ako maabala kapag nasa harap ako ng kompyuter. Pero kapag ang baby ko na ang umiiyak, kahit nasa kalagitnaaan pa ako ng pagbabasa ng mga sanaysay ni Arundhati Roy ay diretso ako sa crib ng aking anak.
Kahit kapos ang badyet, gagastos ng malaki para sa bata ang mga magulang. Mahal ang diaper, gatas, bakuna, gamot, baby wipes, wilkins mineral water at lactacyd pero kailangang maglaan ng pera para dito. Palagi ka ring bisita ng mga mall sa paghahanap ng mga laruan o damit na bagay sa iyong anak.
Mayabang ang mga magulang. Bawat detalye ng paglaki ng bata ay palagi mong naibabalita sa mga kamag-anak at kaibigan. Ipinagmamalaki mo ang mabilis na pagbigat ni baby, ang mga dimples niya, ang hilig niyang magpapasyal sa labas at ang matakaw na pag-inom ng gatas. Halos linggo-linggo ay may bago kang litrato na ilalagay sa internet o ipapadala sa mga kaibigan.
Ganito ang maging magulang. Nakakaadik, nakakatakot pero di mapapantayan ang kaligayahang ibinibigay sa iyong buhay.
The country’s famous university belt in Manila is now a noisy and polluted enclave of fastfood outlets, computer gaming and internet shops, cellphone repair bazaars and police outposts in Morayta and Mendiola.
New students may find U-belt agreeable because of the accessible retail stores catering to the consumer needs of our young population. The older generation may be disappointed over the sweeping invasion of commercialism in the country’s original university town. Educators may be perplexed how learning can take place in this environment.
Once students step out of their campuses, they will be under the hypnotic influence of fastfood giants offering meals not known for their nutritional value. Billboards which can be seen everywhere entice students to spend their money on non-essential things. Computer gaming shops are altering the study and reading habits of students for worse. Police presence could not stop snatchers to thrive in the area but effective in preventing some students to think of ideas which can be construed as destabilizing the Strong Republic.
U-belt’s transformation from the country’s biggest collection of quizzical and dynamic minds into the present captive market for the products and junk food of big corporations is symptomatic of the increasing influence of corporate values in the academic world.
Instead of debunking a mathematical thesis or reflecting on some ideas about nature or society, students are distracted by the visual delight of the arcades, the allure of coffee shops and the welcoming gazebo of mini-malls. This set-up does not promote critical and relevant learning. It creates big profits for the few by converting students into consumers. It is therefore harmful for the future of our nation.
o tungsoy sa tagalog (o ilokano ba?)
laking tuwa at gulat naming mag-asawa nang makita namin ito sa SM North Edsa Supersale Club. Matagal na namin itong hinahanap sa mga palengke pero kami ay bigo. Kaya tuloy madalas kaming napapakain sa Bodhi dahil meron silang ulam na may watercress.
tumutubo ito sa malalamig na lugar kaya popular ito sa Cordillera. madalas din itong makita sa mga batis o sapa. inaalagaan ito ng mga tao hindi lamang para kainin kundi ibenta dahil isa na itong cash crop ngayon. limang piso lang kada isang kilo ang halaga nito sa Baguio pero sa Maynila ay limampung piso na ito.
sabi nila ito na raw ang uso sa mga health buff bukod sa virgin coconut oil. gamot daw ito sa eczema, tuberculosis, kontra-anemia at panlaban sa lung kanser. kaya din daw nitong tugunan ang pangangailangan ng tao para sa calcium at folate.
kinakain ito ng hilaw ng mga taga-Europa o hinahalo sa mga salad. tulad ng mga Chinese, ginigisa ito ng mga Pinoy at pwedeng lagyan ng baboy o manok o kahit corned beef. mabilis itong mabulok kaya dapat kainin agad. Masarap itong almusal lalo na sa mga sawa na sa hotdog, bacon at itlog.
Nakakabahala ang ulat ng National Demographic Health Survey (2003), partikular yung tungkol sa paparaming bilang ng mga bata na gumagamit ng infant formula kung kaya’t ito na ang nangungunang produkto sa bansa.
Tinukoy pa sa pag-aaral na mas maraming bata sa probinsiya ang pinalaki sa gatas ng ina kaysa sa mga bata sa siyudad. Mas marami ding mga nakapag-aral at mayayaman na nanay ang gumagamit ng infant formula kaysa sa mga mahihirap at hindi nakapag-aral.
Hanggang sampung buwan umaasa sa breastfeed ang mga bata sa siyudad kumpara sa labing-anim na buwan sa mga nakatira sa probinsiya. Siyam na buwan naman sa Gitnang Luzon at anim na buwan lamang sa Metro Manila.
Sa buong bansa, humigit-kumulang isang buwan lamang ang tinatagal ng mga eksklusibong nagpapasuso gamit ang gatas ng ina at pagkatapos ng tatlong buwan ay mas marami ng lumilipat sa infant formula. Pagdating ng pitong buwan, isa sa tatlong sanggol ang hindi na nakakatanggap ng sustansiya ng gatas ng ina.
Bukod sa mas matipid ang breastfeeding, pinakamabisang depensa ito ng bata laban sa mga infection, SIDS o sudden infant death syndrome, allergy at osteoporosis. Malaking tulong din ito para sa cognitive development ng bata.
Agresibo ang mga gumagawa ng infant formula sa paglalako ng kanilang produkto. May kinalaman din ang maagang pagbalik sa trabaho ng mga nanay kung kaya’t hindi na kaya ang breastfeeding.
Kailangang turuan ang publiko, lalo na ang mga mayayaman at nakapag-aral na wala pa ring hihigit sa gatas ng ina. Sabi nga ng isa kong kaibigan, bakit mo ipapainom ang gatas ng baka sa sanggol samantalang nandiyan naman ang gatas ng nanay.