mongster's nest

- disturbing fantasies, traumatic verses, definitely mongrel thoughts

who am i

User: mongpalatino
Name: mong palatino
activist, blogger, and legislator. email me at mongpalatino@gmail.com





  • Contact me
  • My profile
  • Linkme

Global Voices Online - The world is talking. Are you listening?


Counter

visited *loading* times

 
Wednesday, 02 July 2008
Amirah Lidasan: Huwarang lider-kababaihan

Links: Bangkok is polluted but its “green.” Street food of Vietnam. Krupuk, or fried fish cracker in Indonesia. Assessing the western media coverage of Fiji.

Ininterbyu ko si Amirah noong 2003 para sa The Filipino Student, opisyal na publikasyon ng National Union of Students of the Philippines. Heto ang ilan sa mga tanong-sagot na pinagbatayan ng artikulong sinulat ko…


Para sa mga kapwa niya Moro, siya ang matapang na lider ng Moro Christian People’s Alliance. Madalas na napapanood sa TV, nagpapaliwanag at bumabatikos sa mga mapaniil na patakaran ng pamahalaan.

Para sa National Union of Students of the Philippines, siya ang masigasig na lider ng Unyon noong ikalawang hati ng nakaraang dekada. Siya ang sumulat ng makasaysayang Critique on Education 2000, ang batayang dokumento sa pag-unawa ng sistema ng edukasyon sa bansa sa ilalim ng rehimeng Ramos.

Siya si Amirah Ali Lidasan, mula sa tribong Iranon ng Maguindanao, dating tagapangulo ng Unyon, at tinitingala ngayon bilang isa sa mga respetadong lider ng bansa.

Magkahalong tuwa at gulat ang naging reaksiyon ni Amirah nang sabihin naming siya ang napiling huwarang alumna ng Unyon ngayong taon. Marahil hindi niya batid ang malaking paghanga sa kanya ng bagong henerasyon ng mga miyembro ng NUSP. Ang paninindigan niya laban sa todong gerang inilunsad ni dating Pangulong Estrada sa mamamayang Moro, hanggang sa kasalukuyang pagbatikos niya sa gerang agresyon ng Estados Unidos sa Afghanistan man o sa Basilan ang nagtulak sa amin na kilalanin siya bilang modelong lider ng NUSP.

Iilan na lamang ba ang katulad ni Amirah na handang talikuran ang payapa at komportableng buhay upang harapin ang suliranin ng lipunan at ng kanyang mga kapatid na Moro?

Sa mga susunod na talata ay mababasa natin ang maikling interbyu kay Amirah kung saan malalaman natin ang mga naging tampok na isyu sa kanyang termino. Masusulyapan din natin ang isang buhay na masasabi nating prinsipyado, makabayan at makabuluhan.

Binabago ni Amirah ang stereotyping sa isang babaeng Moro na ikinikahon ng pyudal na kultura bilang pambahay lamang. Tunay ngang isang kakaibang Moro ang ating huwarang lider. Isang karangalan para sa atin na bago siya naging Amirah Lidasan ng MCPA, naging Amirah Lidasan muna siya ng NUSP.

1. Ano ang pinagkakaabalahan mo ngayon?

Ako ang secretary-general ng Moro-Christian People's Alliance. Ang MCPA ay isang interfaith organization ng mga Muslim at Kristiyanong indibidwal at mga organisasyon na nagtataguyod ng mga karapatan at kagalingan ng mamamayang Moro; at kumikilalala at nagsusulong ng karapatan nila sa sariling pagpapasya or right to self-determination.

2. Bago ka sumali sa NUSP, ano ang mga pinagkaabalahan mo bilang estudyante?

Naging miyembro ako UP Muslim Students and Alumni Association. Sa kolehiyo namin, College of Mass Communication, sumali ako sa Union of Journalists of the Philippines. Noong kasagsagan ng kampanya laban sa tuition increase sa UP noong 1993, sumali ako sa Center for Nationalist Studies (CNS) at dito ako namulat sa mga isyung pulitikal sa loob at labas ng eskuwelahan. Dahil sa CNS, nakasali ako sa mga rali laban sa GATT at iba pang isyung panlipunan na nagpapahirap sa bansa noong 1993 at 1994. Dahil din sa CNS ay nakasama ako sa welga ng mga manggagawa ng Shoemart.

3. Paano ka naging miyembro ng NUSP?

Noong 1994 ay tumakbo ako sa aming kolehiyo bilang presidente ng konseho. Ako ay nanalo at tumayo na rin bilang college representative sa University Student Council. Katatapos lang ng tuition increase sa UP noon, tumaas mula P200 hanggang P300 per unit. Matindi din ang isyu ng mga manggagawa ng UP noon. Panahon na rin kasi ito nang magsimula ang UP na kumuha ng mga agency para sa mga janitor at gwardiya.

Sa labas ng eskwelahan maingay ang mga protesta laban sa GATT. Matindi ang partisipasyon ng ilang estudyante galing UP na sumasama sa mga protesta sa Malakanyang at Senado.

Nagsimula na rin akong maging aktibo sa mga student council organization. Lumahok ako sa Kasama sa UP Convention noong 1994 sa Miag-ao, Iloilo at sa NUSP sa Naga City. Sa NUSP convention noong 1994 ay nahirang akong Executive Vice President. Noong 1995 nang magdaos ng special National Council ang NUSP sa Aklan, ang presidente na si Melody Mallari ng UE-Caloocan ay nagbitiw sa puwesto at ako ang pumalit sa kanyang posisyon. Buong taon ng 1995 ay nagsilbi akong national president. Sa kongreso noong 1995 sa Benguet State University, ako naman ay hinirang ng kapulungan bilang secretary-general ng NUSP hanggang 1996.

4. Ano ang mga problemang kinaharap, naigpawan at mga tagumpay na kampanyang sinulong ninyo sa NUSP noon?

Ang pangunahing kinaharap ng NUSP noon ay organizational problem. Matapos ang Naga Congress, lumiliit na ang bilang ng college councils na sumasali sa NUSP. Matindi ang epekto nito sa paglaban ng mga estudyante sa Education 2000 na inilalako na ng rehimeng Ramos noon. Bukod sa organizational problem, may kakulangan din sa pag-aaral ng programang Education 2000. Umabot sa punto na naging mali ang naging pagsusuri at paglaban ng NUSP sa Education 2000.

Nang inihapag ng NUSP ang taktikal na laban sa Education 2000, umabot siya sa pagsusuri na walang krisis ang eduksyon sa bansa at manipestayon nito ay ang patuloy na pagsilbi ng edukasyon at patuloy na paglabas ng mga graduates na nakakatugon sa panganagailangan ng pamahalaan para sa trabaho.

Lito ang NUSP noon sa kampanyang ito at umani ng maraming puna mula sa mga regional chapters nito particularly sa Laguna-Cavite Chapter, Davao at Ilo-ilo. Ito ang mga pangunahing chapters na pinaabutan ng memorandum at inikot ko bilang Presidente ng NUSP upang ilako ang pagsusuri sa Education 2000.

5. Ano sa tingin mo ang naging ambag mo sa NUSP?

Inilabas ng NUSP ang Critique on the Education 2000 noong 1997, mas komprehensibo at malaman sa datos. Naging wasto at higit na kritikal ang papel na inilabas ng NUSP. Ang buod ng pagsusuri: “The crisis of the education system is continuing and intensifying with the release of the Education 2000 program.” Ito ngayon ang sinuportahan at mabilis na naging laban noong 1997 ng NUSP na nagbunsod din ng isa sa pinakamalaking Kongreso ng Unyon noong 1997 sa Cebu City.

Mas naging malakas ang NUSP noong 1996. Isang tunay na organisasyon ng mga student council dahil well-entrenched ito sa grassroots. Bukod sa pangunguna sa kampanya laban sa tuition increase noong first quarter ng 1997, pinangunahan muli ng NUSP ang taktikal na laban sa Education 2000. Bukod dito, nanguna din ang NUSP sa paglaban ng karapatan ng mag-aaral - tumulong sa pagtatayo ng mga student councils sa Metro Manila na siyang naging hudyat ng pagbubuo muli ng Metro-Manila Chapter nito.

6. Nakatulong ba ang NUSP sa mga ginagawa mo ngayon?

Malaking tulong ang NUSP sa political development ko. Nagbukas ito sa akin ng buhay labas sa UP. Dati, napaka-undecided ko after college. Nasa isip ko talaga pagkatapos ng graduation ay magtrabaho o kaya mag-aral ulit (MA Islamic Studies); pagkatapos babalik ng probinsya namin sa Mindanao para magturo dun.

Pagkatapos sa NUSP, naging volunteer ako sa isang workers federation sa KMU at nang sumiklab ang all-out war sa Mindanao noong 1999, nagvolunteer naman ako sa Karapatan sa Moro human rights desk. Noong 2000, naging founding member ako ng Moro-Christian People's Alliance.

“My decision to continue with student activism paved the way for me to work with the people I belong to: the Moro People. Had I not chosen NUSP over my work and contented life in Maguindanao, I would not have understood the raging war in my province. Like the rest of the Moro people who graduated and became part of the mainstream professionals in the country, I think I would not have been vocal against the violations of the rights of the Moro people. NUSP prepared me for a longer and harder battle that I am facing now, how to help the Moro people fight for their rights and to survive the militarist campaigns of the Philippine government.”

7. Ano ang plano mo sa hinaharap?

Gusto kong isipin na sana ay tuloy-tuloy na ang pagtulong ko sa pakikibaka ng mga kapatid kong mamamayang Moro. Ang gusto ko din ay bumalik uli sa aming probinsya, hindi bilang isang anak na magtatrabaho at magsesettle down sa homeland, kundi bilang isang anak na bumabalik upang tumulong na paigtingin ang pakikibaka ng mamamayan na kinabibilangan ko, ang mamamayang Moro. Ang pag-uwi ko ay hindi ibig sabihin sa pag-iwan ng trabaho sa MCPA. ang ibig sabihin lang nito ay ang paglago ng MCPA sa iba't ibang probinsya partikular sa Mindanao.

Related entries:

USC history
South Mindanao
Tibak sarbey

posted by: mongpalatino at July 02, 2008 12:24 | link | comments |
youth

Comments: